Lucas 4

Nagtayuan sila at ipinagtabuyan siya palabas ng bayan, at dinala malapit sa gilid ng burol, na kinatatayuan ng kanilang bayan, para ihulog siya sa bangin.

Luke 4:29 (UKJV) And rose up, and thrust him out of the city, and led him unto the brow of the hill whereon their city was built, that they might cast him down headlong.

27Ganyan din ang nangyari noong panahon ni Propeta Eliseo. Maraming tao sa Israel ang may malubhang sakit sa balat, ngunit wala ni isa man sa kanila ang gumaling. Sa halip, si Naaman pa na taga-Siria ang tanging pinagaling ni Eliseo.”

28Nang marinig nila ito, galit na galit ang lahat ng nasa sinagoga.

29Nagtayuan sila at ipinagtabuyan siya palabas ng bayan, at dinala malapit sa gilid ng burol, na kinatatayuan ng kanilang bayan, para ihulog siya sa bangin.

30Ngunit lumakad lang siya sa kalagitnaan nila at umalis.

31Mula sa Nazaret, pumunta si Hesus sa bayan ng Capernaum na sakop ng Galilea. Tuwing Araw ng Pamamahinga, nagtuturo siya sa sinagoga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.