Lucas 4

Ganyan din ang nangyari noong panahon ni Propeta Eliseo. Maraming tao sa Israel ang may malubhang sakit sa balat, ngunit wala ni isa man sa kanila ang gumaling. Sa halip, si Naaman pa na taga-Siria ang tanging pinagaling ni Eliseo.”

Luke 4:27 (UKJV) And many lepers were in Israel in the time of Eliseus the prophet; and none of them was cleansed, saving Naaman the Syrian.

25Alalahanin ninyo ang nangyari noong panahon ni Propeta Elias. Hindi umulan sa loob ng tatloʼt kalahating taon, at nagkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain. Maraming biyuda sa Israel noon,

26pero hindi pinapunta ng Diyos si Elias sa kaninuman sa kanila. Sa halip, pinapunta siya sa isang biyudang hentil sa Sarepta na sakop ng Sidon.

27Ganyan din ang nangyari noong panahon ni Propeta Eliseo. Maraming tao sa Israel ang may malubhang sakit sa balat, ngunit wala ni isa man sa kanila ang gumaling. Sa halip, si Naaman pa na taga-Siria ang tanging pinagaling ni Eliseo.”

28Nang marinig nila ito, galit na galit ang lahat ng nasa sinagoga.

29Nagtayuan sila at ipinagtabuyan siya palabas ng bayan, at dinala malapit sa gilid ng burol, na kinatatayuan ng kanilang bayan, para ihulog siya sa bangin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.