Lucas 4

pero hindi pinapunta ng Diyos si Elias sa kaninuman sa kanila. Sa halip, pinapunta siya sa isang biyudang hentil sa Sarepta na sakop ng Sidon.

Luke 4:26 (UKJV) But unto none of them was Elijah sent, save unto Sarepta, a city of Sidon, unto a woman that was a widow.

24Dagdag pa niya, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, walang propetang tinatanggap sa sarili niyang bayan.

25Alalahanin ninyo ang nangyari noong panahon ni Propeta Elias. Hindi umulan sa loob ng tatloʼt kalahating taon, at nagkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain. Maraming biyuda sa Israel noon,

26pero hindi pinapunta ng Diyos si Elias sa kaninuman sa kanila. Sa halip, pinapunta siya sa isang biyudang hentil sa Sarepta na sakop ng Sidon.

27Ganyan din ang nangyari noong panahon ni Propeta Eliseo. Maraming tao sa Israel ang may malubhang sakit sa balat, ngunit wala ni isa man sa kanila ang gumaling. Sa halip, si Naaman pa na taga-Siria ang tanging pinagaling ni Eliseo.”

28Nang marinig nila ito, galit na galit ang lahat ng nasa sinagoga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.