Lucas 4

“Ano ang pakay mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba para puksain kami? Kilala kita. Ikaw ang Banal na sugo ng Diyos!”

Luke 4:34 (UKJV) Saying, Let us alone; what have we to do with you, you Jesus of Nazareth? are you come to destroy us? I know you who you are; the Holy One of God.

32Namangha ang mga tao sa mga aral niya dahil may awtoridad ang mga salita niya.

33May isang lalaki noon sa sinagoga na sinasaniban ng demonyo. Sumigaw ito nang malakas,

34“Ano ang pakay mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba para puksain kami? Kilala kita. Ikaw ang Banal na sugo ng Diyos!”

35Ngunit sinaway siya ni Hesus, “Tumahimik ka at lumabas sa kanya!” At sa harapan ng lahat, itinumba ng demonyo ang lalaki at saka umalis nang hindi niya ito sinasaktan.

36Namangha ang mga tao at sinabi nila sa isaʼt isa, “Pambihira ang mga salita niya – may kapangyarihan at kakayahang magpalayas ng masasamáng espiritu, at sumusunod sila!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.