Lucas 4

Namangha ang mga tao at sinabi nila sa isaʼt isa, “Pambihira ang mga salita niya – may kapangyarihan at kakayahang magpalayas ng masasamáng espiritu, at sumusunod sila!”

Luke 4:36 (UKJV) And they were all amazed, and spoke among themselves, saying, What a word is this! for with authority and power he commands the unclean spirits, and they come out.

34“Ano ang pakay mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba para puksain kami? Kilala kita. Ikaw ang Banal na sugo ng Diyos!”

35Ngunit sinaway siya ni Hesus, “Tumahimik ka at lumabas sa kanya!” At sa harapan ng lahat, itinumba ng demonyo ang lalaki at saka umalis nang hindi niya ito sinasaktan.

36Namangha ang mga tao at sinabi nila sa isaʼt isa, “Pambihira ang mga salita niya – may kapangyarihan at kakayahang magpalayas ng masasamáng espiritu, at sumusunod sila!”

37Kaya kumalat ang balita tungkol kay Hesus sa bawat dako ng lupaing iyon.

38Umalis si Hesus sa sinagoga at pumunta sa bahay ni Simon. Mataas noon ang lagnat ng biyenang babae ni Simon, kaya nakiusap sila kay Hesus na pagalingin siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.