Lucas 4

Nang palubog na ang araw, dinala ng mga tao kay Hesus ang kanilang mga maysakit, anuman ang kanilang karamdaman. Ipinatong ni Hesus ang mga kamay niya sa bawat isa sa kanila at gumaling silang lahat.

Luke 4:40 (UKJV) Now when the sun was setting, all they that had any sick with divers diseases brought them unto him; and he laid his hands on every one of them, and healed them.

38Umalis si Hesus sa sinagoga at pumunta sa bahay ni Simon. Mataas noon ang lagnat ng biyenang babae ni Simon, kaya nakiusap sila kay Hesus na pagalingin siya.

39Tumayo si Hesus sa tabi ng maysakit at inutusan ang lagnat na umalis, at nawala ito. Kaagad na bumangon ang babae at pinagsilbihan sina Hesus.

40Nang palubog na ang araw, dinala ng mga tao kay Hesus ang kanilang mga maysakit, anuman ang kanilang karamdaman. Ipinatong ni Hesus ang mga kamay niya sa bawat isa sa kanila at gumaling silang lahat.

41Lumabas din ang mga demonyo sa mga taong sinapian habang sumisigaw, “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Ngunit sinaway sila ni Hesus at pinagbawalang magsalita, dahil alam nilang siya ang Mesias.

42Kinaumagahan, maagang umalis ng bayan si Hesus at pumunta sa isang lugar na walang katao-tao. Hinanap siya ng mga tao, at nang makita siya ay pinakiusapang huwag munang umalis sa bayan nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.