Lucas 5

Sinabihan siya ni Hesus, “Huwag mo itong sasabihin kahit kanino. Sa halip, pumunta ka sa pari at magpasuri. Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises bilang patunay na malinis ka na.”

Luke 5:14 (UKJV) And he charged him to tell no man: but go, and show yourself to the priest, and offer for your cleansing, according as Moses commanded, for a testimony unto them.

12Minsan, habang nasa isang bayan si Hesus, may isang lalaking may malubhang sakit sa balat na lumapit sa kanya. Lumuhod ito sa harap niya at nagmakaawa. Sinabi niya, “Panginoon, kung gugustuhin po ninyo, mapapagaling nʼyo ako upang maituring akong malinis.”

13Hinawakan siya ni Hesus at sinabi, “Gusto ko. Gumaling ka!” At agad na nawala ang kanyang sakit sa balat.

14Sinabihan siya ni Hesus, “Huwag mo itong sasabihin kahit kanino. Sa halip, pumunta ka sa pari at magpasuri. Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises bilang patunay na malinis ka na.”

15Subalit lalo pang kumalat ang balita tungkol kay Hesus, kaya dumating ang napakarami pang mga tao upang makinig sa mga aral niya at mapagaling sa kanilang mga sakit.

16Ngunit laging pumupunta si Hesus sa ilang at doon nananalangin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.