Lucas 5

Subalit lalo pang kumalat ang balita tungkol kay Hesus, kaya dumating ang napakarami pang mga tao upang makinig sa mga aral niya at mapagaling sa kanilang mga sakit.

Luke 5:15 (UKJV) But so much the more went there a fame abroad of him: and great multitudes came together to hear, and to be healed by him of their infirmities.

13Hinawakan siya ni Hesus at sinabi, “Gusto ko. Gumaling ka!” At agad na nawala ang kanyang sakit sa balat.

14Sinabihan siya ni Hesus, “Huwag mo itong sasabihin kahit kanino. Sa halip, pumunta ka sa pari at magpasuri. Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises bilang patunay na malinis ka na.”

15Subalit lalo pang kumalat ang balita tungkol kay Hesus, kaya dumating ang napakarami pang mga tao upang makinig sa mga aral niya at mapagaling sa kanilang mga sakit.

16Ngunit laging pumupunta si Hesus sa ilang at doon nananalangin.

17Isang araw habang nangangaral si Hesus, may mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan na nakaupo malapit sa kanya. (Nanggaling sila sa ibaʼt ibang bayan ng Galilea at Judea, at maging sa Jerusalem.) At taglay ni Hesus ang kapangyarihan ng Panginoon para magpagaling ng mga may sakit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.