Lucas 5

Sinabi ng mga Pariseo at ng mga tagapagturo ng Kautusan sa kanilang sarili: “Sino ba ang taong ito na lumalapastangan sa Diyos? Tanging Diyos lamang ang nakakapagpatawad ng kasalanan!”

Luke 5:21 (UKJV) And the scribes and the Pharisees began to reason, saying, Who is this which speaks blasphemies? Who can forgive sins, but God alone?

19Ngunit hindi sila makapasok dahil sa dami ng tao, kaya umakyat sila sa bubong at bumaklas ng bahagi nito. Pagkatapos, ibinaba nila sa harap ni Hesus ang paralitikong nasa kanyang higaan.

20Nang makita ni Hesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Kaibigan, pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”

21Sinabi ng mga Pariseo at ng mga tagapagturo ng Kautusan sa kanilang sarili: “Sino ba ang taong ito na lumalapastangan sa Diyos? Tanging Diyos lamang ang nakakapagpatawad ng kasalanan!”

22Alam ni Hesus ang iniisip nila, kaya tinanong niya ang mga ito, “Bakit ganyan ang iniisip ninyo?

23Alin ba ang mas madaling sabihin: ‘Pinatawad na ang mga kasalanan mo,’ o ‘Tumayo ka at lumakad’?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.