21Sinabi ng mga Pariseo at ng mga tagapagturo ng Kautusan sa kanilang sarili: “Sino ba ang taong ito na lumalapastangan sa Diyos? Tanging Diyos lamang ang nakakapagpatawad ng kasalanan!”
22Alam ni Hesus ang iniisip nila, kaya tinanong niya ang mga ito, “Bakit ganyan ang iniisip ninyo?
23Alin ba ang mas madaling sabihin: ‘Pinatawad na ang mga kasalanan mo,’ o ‘Tumayo ka at lumakad’?
24Ngunit upang malaman ninyo na may kapangyarihan ang Anak ng Tao dito sa lupa na magpatawad ng kasalanan, papatunayan ko ngayon sa inyo.” At sinabi niya sa paralitiko, “Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan at umuwi!”
25Bumangon nga agad ang paralitiko sa harap ng lahat, binuhat ang kanyang higaan, at umuwing nagpupuri sa Diyos.