Lucas 5

Sumagot si Hesus, “Mapag-aayuno ba ninyo ang mga panauhin sa kasalan habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Siyempre, hindi!

Luke 5:34 (UKJV) And he said unto them, Can all of you make the children of the bride-chamber fast, while the bridegroom is with them?

32Naparito ako hindi upang tawagin ang mga taong matuwid, kundi ang mga makasalanan upang magsisi sila.”

33May mga tao roon na nagtanong kay Hesus, “Ang mga alagad ni Juan na Tagapagbaustimo at ng mga Pariseo ay madalas mag-ayuno at manalangin. Bakit ang mga alagad mo ay panay lang ang kain at inom?”

34Sumagot si Hesus, “Mapag-aayuno ba ninyo ang mga panauhin sa kasalan habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Siyempre, hindi!

35Ngunit darating ang araw na kukunin sa kanila ang lalaking ikakasal, at saka sila mag-aayuno.”

36Sinabi rin ni Hesus sa kanila ang talinghagang ito: “Hindi ginugupit ang bagong damit para ipangtagpi sa luma. Kapag ginawa ito, masisira ang bagong damit, at ang telang itinagpi ay hindi babagay sa lumang damit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.