Lucas 5

Sinabi rin ni Hesus sa kanila ang talinghagang ito: “Hindi ginugupit ang bagong damit para ipangtagpi sa luma. Kapag ginawa ito, masisira ang bagong damit, at ang telang itinagpi ay hindi babagay sa lumang damit.

Luke 5:36 (UKJV) And he spoke also a parable unto them; No man puts a piece of a new garment upon an old; if otherwise, then both the new makes a rent, and the piece that was taken out of the new agrees not with the old.

34Sumagot si Hesus, “Mapag-aayuno ba ninyo ang mga panauhin sa kasalan habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Siyempre, hindi!

35Ngunit darating ang araw na kukunin sa kanila ang lalaking ikakasal, at saka sila mag-aayuno.”

36Sinabi rin ni Hesus sa kanila ang talinghagang ito: “Hindi ginugupit ang bagong damit para ipangtagpi sa luma. Kapag ginawa ito, masisira ang bagong damit, at ang telang itinagpi ay hindi babagay sa lumang damit.

37Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag ginawa ito, papuputukin ng bagong alak ang sisidlan. Matatapon ang alak at masisira ang sisidlan.

38Sa halip, inilalagay ang bagong alak sa bagong sisidlang-balat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.