Lucas 6

Tumingin si Hesus sa mga alagad niya at sinabi, “Pinagpala kayong mga mahihirap, sapagkat kabilang kayo sa kaharian ng Diyos.

Luke 6:20 (UKJV) And he lifted up his eyes on his disciples, and said, Blessed be all of you poor: for yours is the kingdom of God.

18Pumunta sila roon upang makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga sakit. Ang lahat ng pinahihirapan ng masasamáng espiritu ay gumaling.

19Sinikap ng lahat ng tao roon na mahipo siya, dahil may kapangyarihang nagmumula sa kanya na nagpapagaling sa lahat.

20Tumingin si Hesus sa mga alagad niya at sinabi, “Pinagpala kayong mga mahihirap, sapagkat kabilang kayo sa kaharian ng Diyos.

21Pinagpala kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat bubusugin kayo. Pinagpala kayong mga umiiyak ngayon, sapagkat tatawa kayo.

22Pinagpala kayo kung kinamumuhian kayo ng mga tao, kung itinatakwil at iniinsulto kayo, at sinisiraan ang inyong pangalan dahil sa pagsunod ninyo sa Anak ng Tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.