19Sinikap ng lahat ng tao roon na mahipo siya, dahil may kapangyarihang nagmumula sa kanya na nagpapagaling sa lahat.
20Tumingin si Hesus sa mga alagad niya at sinabi, “Pinagpala kayong mga mahihirap, sapagkat kabilang kayo sa kaharian ng Diyos.
21Pinagpala kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat bubusugin kayo. Pinagpala kayong mga umiiyak ngayon, sapagkat tatawa kayo.
22Pinagpala kayo kung kinamumuhian kayo ng mga tao, kung itinatakwil at iniinsulto kayo, at sinisiraan ang inyong pangalan dahil sa pagsunod ninyo sa Anak ng Tao.
23“Ganoon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta noon. Kaya kung gawin ito sa inyo, magalak kayo at lumukso sa tuwa, dahil malaki ang gantimpala ninyo sa langit.