21Pinagpala kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat bubusugin kayo. Pinagpala kayong mga umiiyak ngayon, sapagkat tatawa kayo.
22Pinagpala kayo kung kinamumuhian kayo ng mga tao, kung itinatakwil at iniinsulto kayo, at sinisiraan ang inyong pangalan dahil sa pagsunod ninyo sa Anak ng Tao.
23“Ganoon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta noon. Kaya kung gawin ito sa inyo, magalak kayo at lumukso sa tuwa, dahil malaki ang gantimpala ninyo sa langit.
24Ngunit kahabag-habag kayong mga mayayaman, sapagkat natamasa na ninyo ang inyong kasaganaan.
25Kahabag-habag kayong mga busog ngayon, sapagkat magugutom kayo. Kahabag-habag kayong mga tumatawa ngayon, sapagkat magluluksa kayo at iiyak.