25Kahabag-habag kayong mga busog ngayon, sapagkat magugutom kayo. Kahabag-habag kayong mga tumatawa ngayon, sapagkat magluluksa kayo at iiyak.
26Kahabag-habag kayo kung pinupuri kayo ng lahat ng tao, sapagkat ganoon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta.
27“Ngunit sinasabi ko sa inyong mga nakikinig sa akin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway. Gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo.
28Pagpalain ninyo ang mga nagbibitaw ng sumpa laban sa inyo. At ipanalangin ninyo ang mga nagmamalupit sa inyo.
29Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Kapag may kumukuha ng balabal mo, huwag mong ipagkait pati ang iyong damit.