Lucas 6

Pagpalain ninyo ang mga nagbibitaw ng sumpa laban sa inyo. At ipanalangin ninyo ang mga nagmamalupit sa inyo.

Luke 6:28 (UKJV) Bless them that curse you, and pray for them which despitefully use you.

26Kahabag-habag kayo kung pinupuri kayo ng lahat ng tao, sapagkat ganoon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta.

27“Ngunit sinasabi ko sa inyong mga nakikinig sa akin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway. Gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo.

28Pagpalain ninyo ang mga nagbibitaw ng sumpa laban sa inyo. At ipanalangin ninyo ang mga nagmamalupit sa inyo.

29Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Kapag may kumukuha ng balabal mo, huwag mong ipagkait pati ang iyong damit.

30Bigyan mo ang sinumang humihingi sa iyo; at kapag may kumuha ng iyong pag-aari ay huwag mo na itong bawiin pa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.