Lucas 6

Magbigay kayo upang bigyan din kayo – hustong takal, siniksik, niliglig, at umaapaw ang ibubuhos sa inyong sisidlan. Sapagkat ang panukat na ginamit ninyo sa pagbibigay ay siya ring gagamiting panukat ng ibibigay sa inyo.”

Luke 6:38 (UKJV) Give, and it shall be given unto you; good measure, pressed down, and shaken together, and running over, shall men give into your bosom. For with the same measure that all of you mete likewise it shall be measured to you again.

36Maging maawain kayo tulad ng inyong Amang maawain.

37“Huwag kayong manghusga upang hindi rin kayo husgahan. Huwag kayong humatol upang hindi rin kayo hatulan. Magpatawad kayo upang patawarin din kayo.

38Magbigay kayo upang bigyan din kayo – hustong takal, siniksik, niliglig, at umaapaw ang ibubuhos sa inyong sisidlan. Sapagkat ang panukat na ginamit ninyo sa pagbibigay ay siya ring gagamiting panukat ng ibibigay sa inyo.”

39Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila ang talinghagang ito: “Maaari bang maging tagaakay ng bulag ang kapwa bulag? Hindi kaya sila parehong mahulog sa hukay?

40Walang mag-aaral na higit sa kanyang guro. Ngunit kapag ganap ang kanyang pagsasanay, magiging katulad siya ng kanyang guro.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.