37“Huwag kayong manghusga upang hindi rin kayo husgahan. Huwag kayong humatol upang hindi rin kayo hatulan. Magpatawad kayo upang patawarin din kayo.
38Magbigay kayo upang bigyan din kayo – hustong takal, siniksik, niliglig, at umaapaw ang ibubuhos sa inyong sisidlan. Sapagkat ang panukat na ginamit ninyo sa pagbibigay ay siya ring gagamiting panukat ng ibibigay sa inyo.”
39Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila ang talinghagang ito: “Maaari bang maging tagaakay ng bulag ang kapwa bulag? Hindi kaya sila parehong mahulog sa hukay?
40Walang mag-aaral na higit sa kanyang guro. Ngunit kapag ganap ang kanyang pagsasanay, magiging katulad siya ng kanyang guro.”
41“Bakit mo pinupuna ang puwing sa mata ng kapwa mo, pero hindi mo naman napapansin ang trosong nasa sarili mong mata?