Lucas 7

Pagdating nila kay Hesus, sinabi nila, “Pinapunta po kami rito ni Juan na Tagapagbautismo para itanong sa inyo kung kayo na ba ang inaasahan naming darating o maghihintay pa kami ng iba.”

Luke 7:20 (UKJV) When the men were come unto him, they said, John Baptist has sent us unto you, saying, Are you he that should come? or look we for another?

18Ang lahat ng pangyayaring iyon ay ibinalita kay Juan na Tagapagbautismo ng kanyang mga alagad. Kaya tinawag ni Juan ang dalawa sa mga alagad niya

19at pinapunta sa Panginoon upang tanungin, “Kayo na po ba ang inaasahan naming darating o maghihintay pa kami ng iba?”

20Pagdating nila kay Hesus, sinabi nila, “Pinapunta po kami rito ni Juan na Tagapagbautismo para itanong sa inyo kung kayo na ba ang inaasahan naming darating o maghihintay pa kami ng iba.”

21Nang mga sandaling iyon, maraming pinagaling si Hesus na mga maysakit sa ibaʼt ibang uri ng karamdaman, at mga sinasapian ng masasamáng espiritu. Marami din siyang pinagaling na mga bulag.

22Kaya sinabi niya sa mga alagad ni Juan, “Bumalik kayo kay Juan at sabihin sa kanya ang nakita at narinig ninyo: Nakakakita na ang mga bulag, nakakalakad na ang mga lumpo, gumaling na ang mga may malubhang sakit sa balat, at nakakarinig na ang mga bingi. Muling binuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.