Lucas 7

Nang makita iyon ng Pariseong nag-imbita kay Hesus, inisip niya, “Kung talagang propeta ang taong ito, alam dapat niyang ang babaeng humahawak sa kanya ay makasalanan.”

Luke 7:39 (UKJV) Now when the Pharisee which had bidden him saw it, he spoke within himself, saying, This man, if he were a prophet, would have known who and what manner of woman this is that touches him: for she is a sinner.

37Sa bayang iyon ay may isang babaeng kilala sa pagiging makasalanan. Nabalitaan niyang kumakain si Hesus sa bahay ng Pariseo, kaya pumunta siya roon at nagdala ng pabangong nasa sisidlang alabastro.

38Lumapit siya sa likuran ni Hesus sa bandang paanan at umiyak. Binasa niya ng luha ang mga paa ni Hesus. Pinunasan niya ang mga ito ng kanyang buhok, hinalikan at binuhusan ng pabango.

39Nang makita iyon ng Pariseong nag-imbita kay Hesus, inisip niya, “Kung talagang propeta ang taong ito, alam dapat niyang ang babaeng humahawak sa kanya ay makasalanan.”

40Sumagot si Hesus, “Simon, may sasabihin ako saʼyo.” Sabi ni Simon, “Ano po iyon, Guro?”

41Sinabi ni Hesus, “May dalawang lalaking nanghiram sa isang taong nagpapautang. Ang isaʼy umutang sa kanya ng limandaan, at ang isa namaʼy limampu.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.