Lucas 7

Pagdating nila kay Hesus, nakiusap silang mabuti sa kanya, “Karapat-dapat po siyang tulungan ninyo,

Luke 7:4 (UKJV) And when they came to Jesus, they besought him instantly, saying, That he was worthy for whom he should do this:

2May isang kapitan doon ng hukbong Romano na may katiwalang malubha ang sakit at nag-aagaw-buhay na. Mahal niya ang katiwalang ito.

3Kaya nang mabalitaan ng kapitan ang tungkol kay Hesus, nagsugo siya ng ilang pinuno ng mga Hudyo upang pakiusapan si Hesus na puntahan at pagalingin ang kanyang katiwala.

4Pagdating nila kay Hesus, nakiusap silang mabuti sa kanya, “Karapat-dapat po siyang tulungan ninyo,

5dahil mahal niya tayong mga Hudyo at ipinagpatayo pa niya tayo ng isang sinagoga.”

6Kaya sumáma sa kanila si Hesus. Nang malapit na sila sa bahay ng kapitan, nagsugo ito ng ilang kaibigan niya para salubungin si Hesus at sabihin, “Panginoon, huwag na po kayong mag-abala, dahil hindi ako karapat-dapat na puntahan nʼyo sa aking tahanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.