Lucas 7

Kaya sumáma sa kanila si Hesus. Nang malapit na sila sa bahay ng kapitan, nagsugo ito ng ilang kaibigan niya para salubungin si Hesus at sabihin, “Panginoon, huwag na po kayong mag-abala, dahil hindi ako karapat-dapat na puntahan nʼyo sa aking tahanan.

Luke 7:6 (UKJV) Then Jesus went with them. And when he was now not far from the house, the centurion sent friends to him, saying unto him, Lord, trouble not yourself: for I am not worthy that you should enter under my roof:

4Pagdating nila kay Hesus, nakiusap silang mabuti sa kanya, “Karapat-dapat po siyang tulungan ninyo,

5dahil mahal niya tayong mga Hudyo at ipinagpatayo pa niya tayo ng isang sinagoga.”

6Kaya sumáma sa kanila si Hesus. Nang malapit na sila sa bahay ng kapitan, nagsugo ito ng ilang kaibigan niya para salubungin si Hesus at sabihin, “Panginoon, huwag na po kayong mag-abala, dahil hindi ako karapat-dapat na puntahan nʼyo sa aking tahanan.

7At hindi rin po ako karapat-dapat na humarap sa inyo. Sa halip, iutos nʼyo lamang na gumaling ang aking katiwala at siyaʼy gagaling.

8Alam ko po ito dahil nasa ilalim ako ng nakakataas na opisyal, at may mga sundalo ring nasa ilalim ko. Kapag sinabi ko sa isa, ‘Pumunta ka roon,’ pumupunta siya. Kapag sinabi ko naman sa isa pa, ‘Halika,’ lumalapit siya. At kapag sinabi ko sa aking alipin, ‘Gawin mo ito,’ ginagawa niya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.