45Hindi mo ako hinalikan, pero mula nang dumating ako, wala siyang tigil sa paghalik sa mga paa ko.
46Hindi mo pinahiran ng langis ang ulo ko, pero pinahiran niya ng mamahaling pabango ang mga paa ko.
47Kaya sinasabi ko sa iyo, pinatawad na ang marami niyang kasalanan, kaya siya nagpapakita ng malaking pagmamahal sa akin. Ngunit ang taong kaunti lang ang kasalanang pinatawad, kaunti rin ang pagmamahal na ipinapakita niya.”
48Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa babae, “Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”
49Ang mga kasama niya sa pagkain ay nagtanong sa kanilang sarili, “Sino ba ang taong ito para magpatawad ng kasalanan?”