Lucas 8

Ang tabi ng daan kung saan nahulog ang ilang binhi ay ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos, ngunit dumating ang diyablo at kinuha iyon sa mga puso nila upang hindi sila sumampalataya at maligtas.

Luke 8:12 (UKJV) Those by the way side are they that hear; then comes the devil, and takes away the word out of their hearts, lest they should believe and be saved.

10Sumagot si Hesus, “Sa inyo ipinagkaloob na maunawaan ang mga hiwaga tungkol sa kaharian ng Diyos, habang sa ibaʼy ipinapahayag ito sa pamamagitan ng talinghaga, upang ‘tumingin man silaʼy hindi makakakita, at makinig man silaʼy hindi makakaunawa.’

11“Ito ang kahulugan ng talinghaga: Ang binhi ay ang salita ng Diyos.

12Ang tabi ng daan kung saan nahulog ang ilang binhi ay ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos, ngunit dumating ang diyablo at kinuha iyon sa mga puso nila upang hindi sila sumampalataya at maligtas.

13Ang batuhan kung saan nahulog ang ibang binhi ay ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos at tinanggap ito nang may kagalakan. Ngunit hindi ito nag-ugat sa kanilang mga puso, kayaʼt hindi nagtagal ang kanilang pananampalataya. Pagdating ng mga pagsubok, tinatalikuran nila ang kanilang pananampalataya.

14Ang lupang may matitinik na damo kung saan nahulog ang iba pang binhi ay ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos, ngunit sa katagalan ay nadaig ng mga alalahanin sa buhay, kayamanan at kalayawan sa mundong ito. Dahil dito, hindi lumalago ang kanilang pananampalataya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.