Lucas 8

Sumagot si Hesus, “Sa inyo ipinagkaloob na maunawaan ang mga hiwaga tungkol sa kaharian ng Diyos, habang sa ibaʼy ipinapahayag ito sa pamamagitan ng talinghaga, upang ‘tumingin man silaʼy hindi makakakita, at makinig man silaʼy hindi makakaunawa.’

Luke 8:10 (UKJV) And he said, Unto you it is given to know the mysteries of the kingdom of God: but to others in parables; that seeing they might not see, and hearing they might not understand.

8Ang iba namaʼy nahulog sa matabang lupa. Tumubo ang mga ito at namunga nang tig-iisang daan.” Pagkatapos, sinabi ni Hesus, “Makinig ang sinumang may pandinig!”

9Tinanong si Hesus ng mga alagad niya kung ano ang kahulugan ng talinghagang iyon.

10Sumagot si Hesus, “Sa inyo ipinagkaloob na maunawaan ang mga hiwaga tungkol sa kaharian ng Diyos, habang sa ibaʼy ipinapahayag ito sa pamamagitan ng talinghaga, upang ‘tumingin man silaʼy hindi makakakita, at makinig man silaʼy hindi makakaunawa.’

11“Ito ang kahulugan ng talinghaga: Ang binhi ay ang salita ng Diyos.

12Ang tabi ng daan kung saan nahulog ang ilang binhi ay ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos, ngunit dumating ang diyablo at kinuha iyon sa mga puso nila upang hindi sila sumampalataya at maligtas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.