7May mga binhi namang nahulog sa may matitinik na damo. Nang lumago silang pareho, sinikil ng mga damo ang mga binhi.
8Ang iba namaʼy nahulog sa matabang lupa. Tumubo ang mga ito at namunga nang tig-iisang daan.” Pagkatapos, sinabi ni Hesus, “Makinig ang sinumang may pandinig!”
9Tinanong si Hesus ng mga alagad niya kung ano ang kahulugan ng talinghagang iyon.
10Sumagot si Hesus, “Sa inyo ipinagkaloob na maunawaan ang mga hiwaga tungkol sa kaharian ng Diyos, habang sa ibaʼy ipinapahayag ito sa pamamagitan ng talinghaga, upang ‘tumingin man silaʼy hindi makakakita, at makinig man silaʼy hindi makakaunawa.’
11“Ito ang kahulugan ng talinghaga: Ang binhi ay ang salita ng Diyos.