5“May isang magsasakang naghasik ng binhi. Sa kanyang paghahasik, may mga binhing nahulog sa tabi ng daan, natapakan ito ng mga dumadaan at pinagtutuka ng mga ibon.
6May mga binhi namang nahulog sa mabatong lugar. Tumubo ang mga ito, pero madaling nalanta dahil sa kawalan ng tubig.
7May mga binhi namang nahulog sa may matitinik na damo. Nang lumago silang pareho, sinikil ng mga damo ang mga binhi.
8Ang iba namaʼy nahulog sa matabang lupa. Tumubo ang mga ito at namunga nang tig-iisang daan.” Pagkatapos, sinabi ni Hesus, “Makinig ang sinumang may pandinig!”
9Tinanong si Hesus ng mga alagad niya kung ano ang kahulugan ng talinghagang iyon.