Lucas 8

Kaya makinig kayong mabuti sa sinasabi ko, sapagkat ang taong nakikinig nang mabuti ay bibigyan pa ng pang-unawa. Ngunit ang taong hindi nakikinig, kahit ang akala niyang naunawaan niya ay kukunin pa sa kanya.”

Luke 8:18 (UKJV) Take heed therefore how all of you hear: for whosoever has, to him shall be given; and whosoever has not, from him shall be taken even that which he seems to have.

16“Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ito ng palayok o ilalagay sa ilalim ng higaan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan para magbigay-liwanag sa lahat ng pumapasok sa bahay.

17Ganoon din naman, walang natatagong hindi mahahayag at walang lihim na hindi malalaman at mabubunyag.

18Kaya makinig kayong mabuti sa sinasabi ko, sapagkat ang taong nakikinig nang mabuti ay bibigyan pa ng pang-unawa. Ngunit ang taong hindi nakikinig, kahit ang akala niyang naunawaan niya ay kukunin pa sa kanya.”

19Ngayon, pinuntahan si Hesus ng kanyang ina at mga kapatid, pero hindi sila makalapit sa kanya dahil sa dami ng tao.

20Kaya may nagsabi kay Hesus, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid, at gusto kayong makita.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.