Lucas 8

Ngayon, pinuntahan si Hesus ng kanyang ina at mga kapatid, pero hindi sila makalapit sa kanya dahil sa dami ng tao.

Luke 8:19 (UKJV) Then came to him his mother and his brethren, and could not come at him for the press.

17Ganoon din naman, walang natatagong hindi mahahayag at walang lihim na hindi malalaman at mabubunyag.

18Kaya makinig kayong mabuti sa sinasabi ko, sapagkat ang taong nakikinig nang mabuti ay bibigyan pa ng pang-unawa. Ngunit ang taong hindi nakikinig, kahit ang akala niyang naunawaan niya ay kukunin pa sa kanya.”

19Ngayon, pinuntahan si Hesus ng kanyang ina at mga kapatid, pero hindi sila makalapit sa kanya dahil sa dami ng tao.

20Kaya may nagsabi kay Hesus, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid, at gusto kayong makita.”

21Sumagot si Hesus, “Ang mga nakikinig at sumusunod sa salita ng Diyos ang aking ina at mga kapatid.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.