Lucas 8

Sumagot si Hesus, “Ang mga nakikinig at sumusunod sa salita ng Diyos ang aking ina at mga kapatid.”

Luke 8:21 (UKJV) And he answered and said unto them, My mother and my brethren are these which hear the word of God, and do it.

19Ngayon, pinuntahan si Hesus ng kanyang ina at mga kapatid, pero hindi sila makalapit sa kanya dahil sa dami ng tao.

20Kaya may nagsabi kay Hesus, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid, at gusto kayong makita.”

21Sumagot si Hesus, “Ang mga nakikinig at sumusunod sa salita ng Diyos ang aking ina at mga kapatid.”

22Isang araw, sumakay ng bangka si Hesus kasama ang mga alagad niya. Sinabi niya sa kanila, “Tumawid tayo sa kabila ng lawa.” At ganoon nga ang ginawa nila.

23Habang naglalayag sila, nakatulog si Hesus. Maya-mayaʼy dumating ang mabagsik na unos at pinasok ng maraming tubig ang bangka nila, kaya nalagay sila sa panganib.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.