Lucas 8

si Juana na asawa ni Cuza na katiwala ni Herodes, si Susana, at marami pang iba. Ang mga babaeng ito ay tumutulong sa mga pangangailangan nina Hesus mula sa mga ari-arian nila.

Luke 8:3 (UKJV) And Joanna the wife of Chuza Herod's steward, and Susanna, and many others, which ministered unto him of their substance.

1Pagkatapos, nilibot ni Hesus ang mga bayan at mga nayon. Ipinangaral at ipinahayag niya ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos. Kasama niya ang labindalawang alagad

2at ilang babaeng pinagaling niya sa sakit at sa masasamáng espiritu. Kabilang dito si Maria na taga-Magdala na pinalaya niya mula sa pitong demonyo,

3si Juana na asawa ni Cuza na katiwala ni Herodes, si Susana, at marami pang iba. Ang mga babaeng ito ay tumutulong sa mga pangangailangan nina Hesus mula sa mga ari-arian nila.

4Isang araw, nagdatingan ang maraming tao mula sa ibaʼt ibang bayan at lumapit sila kay Hesus. Ikinuwento niya sa kanila ang talinghaga na ito:

5“May isang magsasakang naghasik ng binhi. Sa kanyang paghahasik, may mga binhing nahulog sa tabi ng daan, natapakan ito ng mga dumadaan at pinagtutuka ng mga ibon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.