1Pagkatapos, nilibot ni Hesus ang mga bayan at mga nayon. Ipinangaral at ipinahayag niya ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos. Kasama niya ang labindalawang alagad
2at ilang babaeng pinagaling niya sa sakit at sa masasamáng espiritu. Kabilang dito si Maria na taga-Magdala na pinalaya niya mula sa pitong demonyo,
3si Juana na asawa ni Cuza na katiwala ni Herodes, si Susana, at marami pang iba. Ang mga babaeng ito ay tumutulong sa mga pangangailangan nina Hesus mula sa mga ari-arian nila.
4Isang araw, nagdatingan ang maraming tao mula sa ibaʼt ibang bayan at lumapit sila kay Hesus. Ikinuwento niya sa kanila ang talinghaga na ito: