Lucas 8

Nang makita iyon ng mga tagapag-alaga ng mga baboy, tumakbo sila patungo sa bayan at sa mga karatig nayon at ipinamalita ang nangyari.

Luke 8:34 (UKJV) When they that fed them saw what was done, they fled, and went and told it in the city and in the country.

32Sa di-kalayuan ay may malaking kawan ng mga baboy na nanginginain sa gilid ng burol. Nagmakaawa ang mga demonyo kay Hesus na payagan silang pumasok sa mga baboy, at pinayagan naman sila.

33Kaya lumabas sila sa lalaki at pumasok sa mga baboy. Nagtakbuhan ang mga baboy pababa ng burol, nagtuloy-tuloy sa lawa at nalunod.

34Nang makita iyon ng mga tagapag-alaga ng mga baboy, tumakbo sila patungo sa bayan at sa mga karatig nayon at ipinamalita ang nangyari.

35Kaya pumunta roon ang mga tao para tingnan iyon. Pagdating nila kay Hesus, nakita nila ang taong sinaniban dati ng mga demonyo na nakaupo sa paanan ni Hesus, nakadamit at matino na ang pag-iisip. At natakot ang mga tao.

36Ikinuwento sa kanila ng mga nakakita kung paano gumaling ang lalaking sinaniban ng mga demonyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.