31Nagmakaawa sila kay Hesus na huwag silang papuntahin sa kailalimang walang hanggan.
32Sa di-kalayuan ay may malaking kawan ng mga baboy na nanginginain sa gilid ng burol. Nagmakaawa ang mga demonyo kay Hesus na payagan silang pumasok sa mga baboy, at pinayagan naman sila.
33Kaya lumabas sila sa lalaki at pumasok sa mga baboy. Nagtakbuhan ang mga baboy pababa ng burol, nagtuloy-tuloy sa lawa at nalunod.
34Nang makita iyon ng mga tagapag-alaga ng mga baboy, tumakbo sila patungo sa bayan at sa mga karatig nayon at ipinamalita ang nangyari.
35Kaya pumunta roon ang mga tao para tingnan iyon. Pagdating nila kay Hesus, nakita nila ang taong sinaniban dati ng mga demonyo na nakaupo sa paanan ni Hesus, nakadamit at matino na ang pag-iisip. At natakot ang mga tao.