Lucas 8

Nakiusap ang lahat ng Geraseno kay Hesus na umalis sa kanilang bayan dahil takot na takot sila. Kaya muling sumakay si Hesus sa bangka para bumalik sa pinanggalingan niya.

Luke 8:37 (UKJV) Then the whole multitude of the country of the Gadarenes round about besought him to depart from them; for they were taken with great fear: and he went up into the ship, and returned back again.

35Kaya pumunta roon ang mga tao para tingnan iyon. Pagdating nila kay Hesus, nakita nila ang taong sinaniban dati ng mga demonyo na nakaupo sa paanan ni Hesus, nakadamit at matino na ang pag-iisip. At natakot ang mga tao.

36Ikinuwento sa kanila ng mga nakakita kung paano gumaling ang lalaking sinaniban ng mga demonyo.

37Nakiusap ang lahat ng Geraseno kay Hesus na umalis sa kanilang bayan dahil takot na takot sila. Kaya muling sumakay si Hesus sa bangka para bumalik sa pinanggalingan niya.

38Nakiusap sa kanya ang lalaking gumaling na isama siya, ngunit hindi pumayag si Hesus. Sinabi niya,

39“Umuwi ka na sa inyo at sabihin mo sa kanila ang ginawa sa iyo ng Diyos.” Umuwi nga ang lalaki at ipinamalita sa buong bayan ang ginawa sa kanya ni Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.