36Ikinuwento sa kanila ng mga nakakita kung paano gumaling ang lalaking sinaniban ng mga demonyo.
37Nakiusap ang lahat ng Geraseno kay Hesus na umalis sa kanilang bayan dahil takot na takot sila. Kaya muling sumakay si Hesus sa bangka para bumalik sa pinanggalingan niya.
38Nakiusap sa kanya ang lalaking gumaling na isama siya, ngunit hindi pumayag si Hesus. Sinabi niya,
39“Umuwi ka na sa inyo at sabihin mo sa kanila ang ginawa sa iyo ng Diyos.” Umuwi nga ang lalaki at ipinamalita sa buong bayan ang ginawa sa kanya ni Hesus.
40Nang makabalik na sina Hesus sa kabila ng lawa, masaya siyang tinanggap ng mga tao dahil hinihintay siya ng lahat.