Lucas 8

May dumating naman na isang namumuno sa sinagoga, na ang pangalan ay Jairo. Lumuhod ito sa paanan ni Hesus at nakiusap na kung maaari ay pumunta siya sa bahay niya,

Luke 8:41 (UKJV) And, behold, there came a man named Jairus, and he was a ruler of the synagogue: and he fell down at Jesus' feet, and besought him that he would come into his house:

39“Umuwi ka na sa inyo at sabihin mo sa kanila ang ginawa sa iyo ng Diyos.” Umuwi nga ang lalaki at ipinamalita sa buong bayan ang ginawa sa kanya ni Hesus.

40Nang makabalik na sina Hesus sa kabila ng lawa, masaya siyang tinanggap ng mga tao dahil hinihintay siya ng lahat.

41May dumating naman na isang namumuno sa sinagoga, na ang pangalan ay Jairo. Lumuhod ito sa paanan ni Hesus at nakiusap na kung maaari ay pumunta siya sa bahay niya,

42dahil ang kaisa-isa niyang anak na babae, na mga labindalawang taóng gulang, ay naghihingalo na. Habang papunta si Hesus sa bahay ni Jairo, nagsisiksikan sa kanya ang mga tao.

43May isang babae roon na labindalawang taon nang dinudugo at hindi mapagaling ng kahit sino.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.