Lucas 8

dahil ang kaisa-isa niyang anak na babae, na mga labindalawang taóng gulang, ay naghihingalo na. Habang papunta si Hesus sa bahay ni Jairo, nagsisiksikan sa kanya ang mga tao.

Luke 8:42 (UKJV) For he had one only daughter, about twelve years of age, and she lay a dying. But as he went the people thronged him.

40Nang makabalik na sina Hesus sa kabila ng lawa, masaya siyang tinanggap ng mga tao dahil hinihintay siya ng lahat.

41May dumating naman na isang namumuno sa sinagoga, na ang pangalan ay Jairo. Lumuhod ito sa paanan ni Hesus at nakiusap na kung maaari ay pumunta siya sa bahay niya,

42dahil ang kaisa-isa niyang anak na babae, na mga labindalawang taóng gulang, ay naghihingalo na. Habang papunta si Hesus sa bahay ni Jairo, nagsisiksikan sa kanya ang mga tao.

43May isang babae roon na labindalawang taon nang dinudugo at hindi mapagaling ng kahit sino.

44Nang makalapit siya sa likuran ni Hesus, hinipo niya ang laylayan ng damit ni Hesus, at biglang tumigil ang kanyang pagdurugo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.