52Nag-iiyakan at humagulgol ang mga taong naroroon, kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Huwag kayong umiyak. Hindi patay ang bata kundi natutulog lang.”
53Ngunit pinagtawanan nila si Hesus dahil alam nilang patay na ang bata.
54Hinawakan ni Hesus ang kamay ng bata at sinabi sa kanya, “Ineng, bumangon ka.”
55At noon din ay bumalik ang kanyang espiritu at bumangon siya agad. At iniutos ni Hesus na pakainin ang bata.
56Labis na namangha ang mga magulang ng bata. Ngunit pinagbilinan sila ni Hesus na huwag sabihin kaninuman ang nangyari.