50Nang marinig iyon ni Hesus, sinabi niya kay Jairo, “Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang at mabubuhay siyang muli.”
51Pagdating nila sa bahay, wala siyang pinayagang sumama sa loob, maliban kina Pedro, Santiago at Juan, at sa mga magulang ng bata.
52Nag-iiyakan at humagulgol ang mga taong naroroon, kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Huwag kayong umiyak. Hindi patay ang bata kundi natutulog lang.”
53Ngunit pinagtawanan nila si Hesus dahil alam nilang patay na ang bata.
54Hinawakan ni Hesus ang kamay ng bata at sinabi sa kanya, “Ineng, bumangon ka.”