Lucas 8

Pagdating nila sa bahay, wala siyang pinayagang sumama sa loob, maliban kina Pedro, Santiago at Juan, at sa mga magulang ng bata.

Luke 8:51 (UKJV) And when he came into the house, he suffered no man to go in, save Peter, and James, and John, and the father and the mother of the maiden.

49Habang kausap pa ni Hesus ang babae, dumating ang isang lalaki galing sa bahay ni Jairo na namumuno sa sinagoga. Sinabi niya kay Jairo, “Patay na po ang anak ninyo. Huwag nʼyo nang abalahin ang guro.”

50Nang marinig iyon ni Hesus, sinabi niya kay Jairo, “Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang at mabubuhay siyang muli.”

51Pagdating nila sa bahay, wala siyang pinayagang sumama sa loob, maliban kina Pedro, Santiago at Juan, at sa mga magulang ng bata.

52Nag-iiyakan at humagulgol ang mga taong naroroon, kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Huwag kayong umiyak. Hindi patay ang bata kundi natutulog lang.”

53Ngunit pinagtawanan nila si Hesus dahil alam nilang patay na ang bata.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.