1Isang araw, tinipon ni Hesus ang labindalawang alagad at binigyan ng kapangyarihang magpalayas ng lahat ng demonyo at magpagaling ng mga sakit.
2Pagkatapos, sinugo niya sila para mangaral tungkol sa kaharian ng Diyos at magpagaling ng mga may sakit.
3Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong magdala ng anuman sa inyong paglalakbay, kahit tungkod, balutan, pagkain, pera o bihisan.