Lucas 9

Pagkatapos, sinugo niya sila para mangaral tungkol sa kaharian ng Diyos at magpagaling ng mga may sakit.

Luke 9:2 (UKJV) And he sent them to preach the kingdom of God, and to heal the sick.

1Isang araw, tinipon ni Hesus ang labindalawang alagad at binigyan ng kapangyarihang magpalayas ng lahat ng demonyo at magpagaling ng mga sakit.

2Pagkatapos, sinugo niya sila para mangaral tungkol sa kaharian ng Diyos at magpagaling ng mga may sakit.

3Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong magdala ng anuman sa inyong paglalakbay, kahit tungkod, balutan, pagkain, pera o bihisan.

4Kapag tinanggap kayo sa isang bahay, doon kayo makituloy hanggang sa pag-alis ninyo sa bayang iyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.