2Pagkatapos, sinugo niya sila para mangaral tungkol sa kaharian ng Diyos at magpagaling ng mga may sakit.
3Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong magdala ng anuman sa inyong paglalakbay, kahit tungkod, balutan, pagkain, pera o bihisan.
4Kapag tinanggap kayo sa isang bahay, doon kayo makituloy hanggang sa pag-alis ninyo sa bayang iyon.
5At kung ayaw kayong tanggapin ng mga tao sa isang bayan, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok sa mga paa nʼyo bilang babala sa kanila.”
6Pagkatapos noon, umalis ang mga alagad at pumunta sa mga nayon. Nangaral sila ng Magandang Balita at nagpagaling ng mga may sakit sa ibaʼt ibang lugar.