Lucas 9

At kung ayaw kayong tanggapin ng mga tao sa isang bayan, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok sa mga paa nʼyo bilang babala sa kanila.”

Luke 9:5 (UKJV) And whosoever will not receive you, when all of you go out of that city, shake off the very dust from your feet for a testimony against them.

3Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong magdala ng anuman sa inyong paglalakbay, kahit tungkod, balutan, pagkain, pera o bihisan.

4Kapag tinanggap kayo sa isang bahay, doon kayo makituloy hanggang sa pag-alis ninyo sa bayang iyon.

5At kung ayaw kayong tanggapin ng mga tao sa isang bayan, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok sa mga paa nʼyo bilang babala sa kanila.”

6Pagkatapos noon, umalis ang mga alagad at pumunta sa mga nayon. Nangaral sila ng Magandang Balita at nagpagaling ng mga may sakit sa ibaʼt ibang lugar.

7Nabalitaan ni Herodes na pinuno ng Galilea ang mga ginagawa ni Hesus. Naguluhan siya dahil may mga nagsasabing muling nabuhay si Juan na Tagapagbautismo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.