Lucas 9

Nabalitaan ni Herodes na pinuno ng Galilea ang mga ginagawa ni Hesus. Naguluhan siya dahil may mga nagsasabing muling nabuhay si Juan na Tagapagbautismo.

Luke 9:7 (UKJV) Now Herod the tetrarch heard of all that was done by him: and he was perplexed, because that it was said of some, that John was risen from the dead;

5At kung ayaw kayong tanggapin ng mga tao sa isang bayan, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok sa mga paa nʼyo bilang babala sa kanila.”

6Pagkatapos noon, umalis ang mga alagad at pumunta sa mga nayon. Nangaral sila ng Magandang Balita at nagpagaling ng mga may sakit sa ibaʼt ibang lugar.

7Nabalitaan ni Herodes na pinuno ng Galilea ang mga ginagawa ni Hesus. Naguluhan siya dahil may mga nagsasabing muling nabuhay si Juan na Tagapagbautismo.

8May nagsasabi namang siya si Elias na nagpakita. At may nagsasabi pang isa siya sa mga propeta noong unang panahon na muling nabuhay.

9Sinabi ni Herodes, “Pinapugutan ko ng ulo si Juan. Ngunit sino kaya itong nababalitaan ko? Marami akong narinig na kahanga-hangang bagay tungkol sa kanya.” Kaya sinikap ni Herodes na makita si Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.