6Pagkatapos noon, umalis ang mga alagad at pumunta sa mga nayon. Nangaral sila ng Magandang Balita at nagpagaling ng mga may sakit sa ibaʼt ibang lugar.
7Nabalitaan ni Herodes na pinuno ng Galilea ang mga ginagawa ni Hesus. Naguluhan siya dahil may mga nagsasabing muling nabuhay si Juan na Tagapagbautismo.
8May nagsasabi namang siya si Elias na nagpakita. At may nagsasabi pang isa siya sa mga propeta noong unang panahon na muling nabuhay.
9Sinabi ni Herodes, “Pinapugutan ko ng ulo si Juan. Ngunit sino kaya itong nababalitaan ko? Marami akong narinig na kahanga-hangang bagay tungkol sa kanya.” Kaya sinikap ni Herodes na makita si Hesus.
10Pagbalik ng mga apostol, ikinuwento nila kay Hesus ang lahat ng ginawa nila. Pagkatapos, isinama sila ni Hesus sa bayan ng Betsaida; wala na siyang isinamang iba