4Kapag tinanggap kayo sa isang bahay, doon kayo makituloy hanggang sa pag-alis ninyo sa bayang iyon.
5At kung ayaw kayong tanggapin ng mga tao sa isang bayan, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok sa mga paa nʼyo bilang babala sa kanila.”
6Pagkatapos noon, umalis ang mga alagad at pumunta sa mga nayon. Nangaral sila ng Magandang Balita at nagpagaling ng mga may sakit sa ibaʼt ibang lugar.
7Nabalitaan ni Herodes na pinuno ng Galilea ang mga ginagawa ni Hesus. Naguluhan siya dahil may mga nagsasabing muling nabuhay si Juan na Tagapagbautismo.
8May nagsasabi namang siya si Elias na nagpakita. At may nagsasabi pang isa siya sa mga propeta noong unang panahon na muling nabuhay.