Lucas 9

(May limang libong lalaki ang naroon.) Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Paupuin ninyo sila nang grupo-grupo na tig-limampu bawat grupo.”

Luke 9:14 (UKJV) For they were about five thousand men. And he said to his disciples, Make them sit down by fifties in a company.

12Nang magdapit-hapon na, lumapit sa kanya ang labindalawang alagad at sinabi, “Paalisin nʼyo na po ang mga tao nang makapunta sila sa kanayunan at kabukiran na malapit para humanap ng matutuluyan at makakain, dahil nasa ilang na lugar po tayo.”

13Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Kayo ang magpakain sa kanila.” Sumagot sila, “Limang tinapay at dalawang isda lang po ang mayroon tayo. Hindi ito kakasya, maliban na lang kung bibili kami ng pagkain para sa kanila.”

14(May limang libong lalaki ang naroon.) Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Paupuin ninyo sila nang grupo-grupo na tig-limampu bawat grupo.”

15At pinaupo nga nila ang lahat.

16Kinuha ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay sa mga alagad niya para ipamigay sa mga tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.